LEGAZPI CITY – Isinagawa ng Department of Agriculture (DA) Bicol ang isang Info Caravan para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.
Ang nasabing programa ay nasa ilalim ng Agri-Business Marketing Assistance Division o AMAD, na naglalayong mailahad ang Kadiwa Agribiz Assistance for the Youth and OFW (KAAYO) sa ilalim din ng Micro Agri-Kabuhayan para sa Balikbayan Program.
Layunin nitong maipaalam na mayroong assistance programs na nakalaan para sa mga bumabalik na OFWs lalo na sa may mga gustong magnegosyo.
Sa pagtutulungan ng ilang mga ahensiya, partikular na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Agricultural Training Institute (ATI), Agricultural Credit Policy Council (ACPC), Land Bank of the Philippines at Bank of the Philipinne Island (BPI), ang nasabing OFWs ay mabibigyan ng pagkakataong matuto sa pagpapatakbo ng negosyo.
Dagdag pa rito, ang mga nabanggit na ahensiya ay mayroong nakahandaang loans at training programs para sa kanila.
Nauna nang isagawa ang Info Caravan sa Albay sa ilang lalawigan katulad ng Camsur, Sorsogon, at Catanduanes.
Samantala, nakatakda rin itong isagawa sa Masbate sa darating na Setyembre; Camarines Norte sa darating na Oktubre at ang Albay naman sa darating na Nobyembre