Isang ginang, na- hit and run; nanawagan ng tulong

Iniinda pa rin hanggang ngayon ni Gng. Judith Forrosuelo ng Barangay Langogan ang sakit sa halos buong katawan matapos siyang ma- hit and run sa National Highway.

Ayon sa kanya, noong September 22, 20222 nang masagi sila ng isang pick up habang nakasakay sa motorsiklo.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Naki-angkas lamang umano siya ng kabarangay para makauwi sa kanilang bahay hanggang sa mangyari ang aksidente.

Sa halip na huminto ay hindi tumigil ang drayber ng pick up na umano ay kulay pula.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sinubukan pang habulin ang behikulo ng mga residente subalit hindi na ito inabutan.

Samantala, dinala sa Satellite Clinic si Gng. Judith subalit nang malapatan ito ng paunang lunas ay nagdesisyon ito na hindi na magpa-ospital dahil sa kawalan ng pera.

JUDITH FORROSUELO: 0966-635-9945