Isang Critically Endangered Species na agila, na-rescue sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE – Nasa pangangalaga na ng Provincial Environment And Natural Resources Office (PENRO) – Camarines Norte ang isang critically endangered species na agila na na-rescue sa bayan ng Labo.

Ito ay matapos na makatanggap ng tawag ang duty ng Police Non-Commissioner Officers ng istasyon mula kay G. Reo Salvanera, 40 taong gulang at residente ng Brgy. Mabilo 1, Labo Camarines, Norte.

Alinsunod dito, bandang alas-9:00 ng umaga ng Hunyo 3, 2024 habang naglalakad siya sa eskinita malapit sa kanyang tirahan, napansin niyang nakahandusay sa lupa ang nasabing specie na may sugat sa may bahagi ng ulo at napansin niyang hindi maganda ang kondisyon ng agila.

Inalagaan niya umano ito at pagkatapos ng ilang araw, nagpasya siyang tawagan ang atensyon ng istasyon ng kapulisan bago iturn-over.

Nagtungo sa lugar ang Camarines Norte personnel sa pangunguna ni PMAJ LAWRENCE P MARTINEZ, Station Chief kasama ang mga kawani ng PENRO – Camarines Norte kung saan dito naiberipika na  isang Philippine Eagle ang natagpuan ng nabanggit na concerned citizen.

Sa kasalukuyan, ay natanggap at naidokumento ng PENRO – Camarines Norte para sa kustodiya at rehabilitasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *