Nagsimula na ngayong araw ang libreng sakay sa lahat ng mga pasahero sa MRT-3.
Itinaon ito sa ika-77 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang matagumpay na pagtatapos ng rehabilitasyon ng nasabing linya ng tren.
Magpapatuloy ang libreng sakay hanggang sa katapusan ng Abril.
Inihayag naman ng pamunuan ng MRT-3 na kahit sino ay libre at wala nang kailangan ipakita pang mga dokumento.
Siniguro naman ng MRT-3 na handa sila sa pagdami ng mga pasaherong sasakay sa MRT-3 kasabay ng paalala sa mga pasahero na mag-ingat at sumunod sa safety protocols laban sa COVID-19.