Ehekutibo nakatutok sa sitwasyon malapit sa Taal Volcano – Palasyo

Tiniyak ng Malakanyang na mahigpit na binabantayan ng Executive Department ang sitwasyon sa mga lugar malapit sa Taal Volcano, na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Sa isang pahayag sinabi ng Palasyo na kumikilos na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council at ang mga regional counterpart sa pagpapatupad ng mga kinakailangan hakbang katulad ng pag-evacuate sa mga apektadong residente.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Siniguro naman umano ng Department of Social Welfare and Development ang kahandaan ng mga Quick Response Team nito.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Naka-standby na din ang stockpile ng mga pagkain at non-food items upang madagdagan ang mga lokal na suplay kung kinakailangan.

Nanawagan naman ang Malakanyang sa lahat ng mga residente,
at mga apektadong barangay at komunidad na manatiling naka-alerto at mapagbantay para sa anumang development sa lagay ng Taal Volcano.