Arestado sa Anti- illegal drugs operation ng PNP si Jerome Mendros, 24 anyos, binata, sa Socrates Road, Brgy San Pedro, Puerto Princesa City gabi ng Huwebes, May 26, 2022.
Iniulat ng Puerto Princesa City Police na si Jerome ay nakuhanan ng operatiba ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang Marijuana at isang libong piso (buybust money).
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.
Dahil dito, pinuri ni Acting City Director PCOL ROBERTO M BUCAD ang kapulisan sa lungsod sa pinaigting na Anti-Illegal Drugs Operation.