Isa sa mga suspek sa pagnanakaw sa lumang palengke ng Olongapo, nakilala na

Nakilala na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa serye ng nakawan sa lumang palengke ng Olongapo.

Ito ay matapos na mahanap ng biktima ng anak ng babaeng suspek sa pamamagitan ng social media account at impormasyon ng isang netizen.

Read More:  Seven arrested in Catanduanes anti-illegal mining operation

Ayon kay Olongapo Police Station 1 Commander Pmaj.Exodus Rodriguez, kinilala ng negosyanteng biktima ang 64-year old na suspek kaya sasampahan ito ng kasong pagnanakaw.

Read More:  Himamaylan sends final demand to contractors over P398M delayed projects

Matatandaan, magkakasunod na araw simula noong nakaraang Miyerkules nang manakawan ang hindi bababa sa limang tindera sa palengke na ang mga suspek ay gumagamit ng istilong tulad sa salisi gang.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO