Isang bigasan sa Lucena City Public Market, nasalisihan umano ng mga kawatan

Nasalisihan ng pinaghihinalaang dalawang kawatan ang may-ari ng isang bigasan sa Lucena City Public Market nitong araw ng Biyernes, Pebrero 9 bandang alas-5:45 ng umaga.

Ayon sa may-ari, nakapatong malapit sa kanya ang kanyang bag nang may lumapit sa kanya na lalaki para bumili ng kalahating kilo ng Popcorn, nagkakahalaga ito ng Php40.00 subalit inabutan lamang siya ng Php36.00 dahilan para habulin niya ito at kuhaan ng kulang na bayad.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Pagbalik nya ay saka niya napansing nawawala na ang kanyang bag na may lamang mga ID at perang nagkakahalaga ng nasa Php40,000.00.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Agad naman ipinagbigay ito sa mga awtoridad para imbestigahan kung nabiktima nga ang may-ari ng salisi–gang sa pamilihang bayan ng lungsod ng Lucena.