DMW, sinisikap na makakuha ng chartered flight para maiuwi ang mga Pilipino mula sa Lebanon

Nakikipag-usap na ang Department of Migrant Workers sa ilang airlines company upang makapag-provide ng chartered flight sa hindi bababa sa tatlong daan na mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Lebanon na gusto nang umuwi ng bansa kasunod ng pagtindi ng kaguluhan sa lugar.

Nabatid na hindi natuloy ang repatriation sana ng nasa 15 OFW noong September 25 matapos isara ang paliparan ng Lebanon.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DMW Usec. Bernard Olalia na sinusubukan na rin nilang makakuha ng landing rights mula sa gobyerno ng Lebanon para sa makukuhang chartered flights.

Liban pa rito, inaasikaso na rin anya nila ang exit permit ng mga mare-repatriate na mga OFW, dahil maliban sa mga documented OFW meron ring mga undocumented OFW na kailangang mag secure ng travel documents.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, maliban sa air route pinag-aaralan na rin ng DMW ang magiging land o sea route na pwedeng daanan sakaling tuluyang isarado ang paliparan.