Kung ang ilan sa atin ay kating-kati nang makahanap ng isang kasintahan.
Ibahin ninyo ang isang babae sa China na kung saan sa pamamagitan ng teknolohiya ay instant niyang nakatagpo ang kaniyang maituturing na “the one.”
Imbes kasi na tao, isang AI or Artifical Intelligence ang kaniyang karelasyon. Tama, isang AI.
Ang nabanggit na dalaga ay si Tufei, 25 taong gulang, at nagmula sa Xi’an ng Northern China.
Gamit ang applikasyon na Wantalk, isa itong AI chatbot na nilikha ng Chinese tech company na Baidu, sa kanyang telepono sa isang cafe sa Beijing.
Ayon sa AFP ang app na ito ay may katangiang ma-customize ang AI boyfriend na nais ng isang tao base sa kanyang edad, personalidad, at kinahiligan.
Kung kaya’t ayon kay Tufei, tila wala na raw siyang mahihiling pa dahil “perpekto” na umano ang kaniyang AI boyfriend na mabait at maaasahan.
Kaya naman nangangarap siya na magkaroon ng isang robot na kasintahan na tumatakbo sa pamamagitan ng AI. ###MITZI LOMERIO