Isang 3 anyos na bata, nabangga ng kotse- patay!

Patay ang isang 3 anyos na batang lalaki matapos itong mabangga ng isang kotse sa National Highway ng Barangay Calasaguen, Brooke’s Point Palawan.

Iniulat ng Brooke’s Point PNP na ganap na 9:20 ng umaga kanina nangyari ang askidente.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa imbestigasyon ng PNP, isang 19 anyos ang drayber ng Hyundai, Sedan na kinilalang si JEM ROBERT DAGUNAN na mayroong driver’s license.

Ayon sa drayber, kasama nya ang pinsang at sila’y patungo umano sa Sofronio Española mula sa Barangay Pangobilian, Brookes Point nang biglang tumawid ang bata sa daan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sinubukan pa umanong mag-preno ni Jem subalit nangyari pa rin ang trahedya.

Idineklarang Dead on arrival ang bata sa Leoncio General Hospital.

Samantala, sinisikap ng Brigada na makausap ang magulang ng batang namatay.