Isabela Police Provincial Office, Rank 1 sa Upper ng Pro 2

𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘, 𝗥𝗔𝗡𝗞 𝟭 𝗦𝗔 𝗨𝗣𝗣𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝟮

Itinanghal muli ang Isabela Police Provincial Office na Rank 1 sa Unit Performance Evaluation Rating (UPER) ng Police Regional Office 2.

Nanguna sa buwan ng Mayo ang IPPO sa lahat ng mga PNP Units sa Region 2 na kinabibilangan ng Batanes PPO, Cagayan PPO, Santiago CPO, Quirino PPO, at Nueva Vizcaya PPO base sa Administrative at Operational accomplishment.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Naging posible ito dahil sa mahusay na pamumuno ni PCOL Lee Allen Bauding, Provincial Director at sa husay ng mga kapulisan ng Isabela.

Sinabi ng naturang opisyal na napakahalaga na maging mataas ang morale ng kanyang mga tauhan para maging masigla at tama ang kanilang mga trabaho.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Matatandaan na nakuha ng IPPO ang kaparehong pagkilala noong buwan ng Pebrero, Marso, Abril, at Mayo 2024.

Pinasalamatan din nito ang mga mamamayan ng Isabela sa pagtuloy na pagsuporta sa kampanya ng kapulisan kontra kriminalidad at insurhensiya