Isa sa mga suspek sa MSU bombing, nahuli na ng Militar

Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa  pagpapasabog sa loob ng campus ng Mindanao State University o MSU sa Marawi City noong Linggo.

Ayon kay Armed Force of the Philippines Public Affairs Office Chief, Col. Xexes Trinidad ay makaraang masukol ng mga tropa si Jafar Gamo Sultan, alyas Jaf at Kurot nang siya ang hinilang lumabas na kasabwat sa pagpapasabog.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Batay sa ulat, sinasabing nahuli si alyas Jaf at Kurot nitong December 6 sa operasyon sa Brgy Dulay Proper sa Marawi.

Si Sultan ay kasamahan ng isang alyas Omar, na taong tinukoy ng mga testigo na nagdala ng improvised explosive device sa Dimaporo Gymnasium.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi naman ni Trinidad na dalawang motosiklo ang kanilang narekober sa isinagawang operasyon.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang paghahanap sa iba pang suspek sa pambobomba sa MSU.