NAGA CITY – Isa ang naitalang patay sa Naga City dahil sa impeksyon na dulot ng Human Immunodeficiency VirusAcquired Immunodeficiency Syndrome o HIV/AIDS ngayong taon.
Ang bangkay nito ay agad namang ipina-cremate ng kanyang pamilya.
Kabilang ang naturang biktima sa mahigit 100 mga HIV/AIDS na naitala ng clinic ngayon lamang taon,2022.
Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Grace Guevarra, ang head ng hygiene clinic, sinabi nitong itinigil ng biktima ang regular nitong libreng gamutan sa Bicol Medical Center, kaya humina ang resistensiya nito hanggang sa magkaroon ng komplikasyon at bawian ng buhay. Nawala aniya ang kontak nila sa biktima , ipinaalam na lamang sa kanila ng pamilya na patay na ito.
Kasabay nito, ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng regular na medication na ibinibigay ng klinika at ng BMC sa HIV/AIDS patients na ayon kay Guevarra dapat tuloy-tuloy para hindi magka komplikasyon.
Sa loob ng isang araw mahigit 10 mga individual ang nagsasadya sa klinika para magpa HIV/AIDS testing.