Suporta sa mga atleta, tiniyak ni Bong Go

Muling tiniyak ni Senador Christopher Bong Go ang suporta nito para sa mga atletang Pilipino.

Sa kanyang talumpati sa opening ceremonies ng Southern Tagalog Regional Association Of State Universities And Colleges (STRASUC) Olympics 2022 sa Cavite State University sa Indang, Cavite – sinabi ni Go na isa siyang advocate sa pagsusulong ng isports sa mga kabataan.

Aniya, hindi lamang nakatutulong ang sports sa pagpapalakas ng katawan – kundi nakatutuling din sa pagkakaroon ng disiplina at pagiging isang mabuting mamamayan ng bansa.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Maging siya raw mismo ay isang ‘sports fan’ dahil tinutulungan daw nito ang pagiging ‘fit’ at ‘alisto’ ng mga pangangatawan.

Para matulungan ang mga batang atleta, isinusulong ni Go ang pagsasagawa ng ‘Philippine National Games’ kada dalawang taon.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Magsisilbi aniya itong ‘preperatory games; para sa mga national at international competitions, maliban pa sa Palarong Pambansa na idinaraos naman taon-taon.

Umaasa rin si GO na balang araw ay magigign ‘sports powerhouse’ ang Pilipinas sa pamamagitan ng isinusulong niyang palaro.

Kaugnay nito, namahagi rin si Go ng mga bola ng basketbol, volleyball, at soccer sa 12 mga kalahok na koponan ng naturang torneyo.
#