Arestado ang tatlong most wanted person, kung saan ang isa dito ay rank No. 4 Municipal Most Wanted, sa magkahiwalay na lugar sa Sorsogon. Pawang nahaharap sa kasong panghahalay ang tatlong akusado.
Unang naaresto ang dalawang wanted sa bayan ng Bulan, Sorsogon na nakilalang sina Martin Musa Albao, 38-anyo at Basilio Musa Albao, 36-anyos kapwa magsasaka at naninirahan sa Brgy Danao ng nasabing bayan.
Ang warrant of arrest ay ibinaba ng MTC-Bulan. Walang inirekomendang piyansa ang korte sa mga akusado na nagtago ng 8 taon matapos ang krimen na ginawa noong 2014.
Sa bayan ng Bulusan ay naaresto ng mga awtoridad ang kanilang Rank No. 4 Most Wanted Person na si Alfeo Gache Dador, 57-anyos, binata, laborer at residente ng Brgy San Isidro.
Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 54 Gubat, Sorsogon para sa kasong 2 counts of rape na walang itinakdang piyansa.
