Isa patay nang mawalan ng preno ang delivery truck sa Camarines Sur

NAGA CITY – Patay ang isang sakay ng delivery truck matapos na mawalan ng preno ang sinasakyan nito at madaganan ng lulan na mga sako ng gravel and sand sa Lupi, Camarines Sur.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PSMS Jess Baybay nangyari ito bandang alas 12:30 ng tanghali nitong Huwebes sa Andaya Highway sa Brgy. Bel-Cruz, Lupi, kung  saan binabaybay ng truck na dala ni Julie Cater na residente ng Ligao City, Albay ang naturang pataas na kalsada na papunta sana sa Bulacan, nawala n ng preno ang sasakyan at dumaodos bumangga sa tabi ng kalsada hanggang sa natumba.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan
Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sugatan ang apat na mga sakay habang unharmed naman ang tatlo pang kasama at driver na halos mga kamag-anak na magbabakasyon sana na mula rin sa Albay.  Nagtamo ng matinding sugat ang 20-anyos na anak ng driver na si Ryan Cater matapos na madaganan ng sako-sakong buhangin.