Isa na namang pulis, nakapatay sa Quezon City

Ipinag-utos na ni National Capital Region Police Office Chief PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr., malalimang imbestigasyon kaugnay ng pamamaril ng isa na naman pulis na nauwi sa pagkamatay ng isang lalaki sa isang painuman sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni NCRPO spokesperon Police Lieutenant Colonel Eunice Salas ang suspek na si Patrolman Edwin Rivera y Simbling, 26 years old.

Habang ang biktima ay kinilalang si Chrismel Serioso y Baldovino, 29 anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente mag aalas-singko ng madaling araw kahapon sa labas ng Spotlight Beer Bar and Cocktail Lounge sa Sarmiento St., Brgy. Nova Proper, Novaliches, QC.

Sa pahayag ng mga saksi, nag- iinom ang suspek nang lapitan ng biktima hanggang sa magtalo. Doon na rin naglabas ng baril ang suspek at binaril ang biktima.

Naisugod pa sa pagamutan ang bitkima ngunit idineklara siyang dead on arrival ng attending physician.

Agad na dinisarmahan ang pulis at nasa kustodiya ng Regional Mobile Force Battalion habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.

Mahaharap naman ang suspek na pulis ng kasong homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *