Irrigation association sa Camarines Sur abala sa paglilinis ng kani-kanilang irigasyon bilang paghahanda sa epekto ng El Niño sa rehiyon 

NAGA CITY – Iisang galawan ang ginagawang paglilinis ngayon ng mga Irrigation Association sa Camarines Sur bilang paghahanda sa sinasabing magiging epekto ng El Niño sa bansa.

Pagtalima na rin nila ito sa regulasyon at kautusan ng National Irrigation Administration na dapat panatilihin ng mga magsasaka ang kalinisan, na alisin ang mga basura, mga damo at mga sanga na nakakahadlang sa daloy ng tubig.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kaugnay nito, ang mga magsasakang miyembro ng Libmanan-Cabusao Pump Irrigation System na kinabibilangan ng Ibid Umalo, Mantalisay Tarum Camambugan Cuyapi, San Pedro Labao, Camagong San Vicente, Tarum Labao Patag Candato, Pandan Nuestra Salvacion at Patag Biong Cagumpis ay nagsagawa ng ganitong aktibidad.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Maria Cleofe Baraero, Public Relation Officer ng NIA-Bicol, sinabi niya na dapat ganito rin ang gawin ng ibang irrigation association sa buong rehiyon.