Nilagdaan kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos ang executive order no.40 na naglalayong palawigin pa ng dalawang taon ang umiiral na moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga agrarian reform beneficiaries o ARBs.

Laman ng moratorium ang pagbabayad ng principal obligation, interest, at amortization due ng mga ARBs.
Isinagawa ang paglagda ng Pangulo sa EO 40 kasabay ng presentation ng implementing rules and regulation o IRR ng New Agrarian Emancipation Act.
Saklaw ng extension ang mga benepisyaryo na hindi sakop ng IRR ng RA 11953 at ng naunang inilabas na moratorium.
Sa speech ni Pangulong Bongbong Marcos, pinasalamatan nito ang mga bumalangkas ng IRR ng naturang batas, at sinabi pang ito raw ang pinaka magandang regalo na natanggap nya para sa kanyang kaarawan.