IRR ng Maharlika Investment Fund – naisapinal na ayon kay Pangulong Marcos

Kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na naisapinal na ang implementing rules and regulations ‘o ‘yung IRR ng Maharilka Investment Fund (MIF).

Ito ang inihayag ng Pangulo matapos ang isang sectoral meeting sa Malacañang kung saan, nakapulong ni Marcos ang hepe ng Government Service Insurance System o GSIS.

Sa mga social media posts ng Pangulo – sinabi nitong ito ang hudyat para sa pagpapatuloy ng implementation ng naturang batas para sa pagtatatag ng sariling sovereign wealth fund ng Pilipinas.

Aniya, mabilis na raw na maitatatag ang corporate structure ng MIF Board at agaran na rin itong naipatutupad.

Kung maaalala – nito lamang nakaraang buwan nang suspendihin ang pagbalangkas sa IRR dahil kailangan pa raw itong dumaan sa masusing pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *