Irosin Police, may ‘person of interest’ na sa kasong panlalaslas ng leeg sa isang naka-kwarantina

SORSOGON CITY – “May suspek na kami,’’ ito ang naging pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng hepe ng Irosin Municipal Police Station na si PMaj Rene Bea.

Ayon sa opisyal, posible umanong may matinding galit sa biktima ang suspek kaya’t hindi na ito nakatiis, kung kaya’t pati quarantine facility na kinaroroonan ng biktima ay pinasok na nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Batay sa ulat, dakong alas 10:00 ng gabi nitong nakatalikod na araw, habang mahimbing na natutulog ang biktima na si Aldrin Sanchez, 26-anyos, laborer at residente ng Brgy Liang, Irosin ay nilaslas ang leeg nito ng suspek gamit ang isang matalim na bagay.

Si Sanchez ay sumasailalim sa 14 days quarantine sa Gallanosa National High School nang mangyari ang insidente.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nagpapagaling na ito ngayon sa isang ospital.

Bunsod nito, hinigpitan ng PNP ang ginagawang pagbabantay sa nasabing pasilidad upang hindi na maulit pa ang kahintulad na insidente.

PHOTO: Contributed photo