Nananatiling epektibo ayon sa Department of Health ang ipinatutupad na health protocols laban sa anumang variants ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH, ang pagpapataw ng karagdagang restrictions sa mga incoming travelers o anumang pagbabago sa COVID-19 protocols sa bansa ay dapat nakabatay sa science at ebividence-based.
Noong december 31, naglabas ng isang memorandum si DOH officer-in-charge na si Maria Rosario Vergeire na nanawagan ng pagiging alerto sa lahat ng mga biyahero mula sa China.
Nanawagan ang ahensya mahigpit na implementasyon ng boarder control at health protocols sa lahat ng boarders at kani-kanilang operating units.
Hinihintay ngayon ng health department ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung palalawigin o hindi ang state of calamity ng bansa dahil sa COVID-19.//CA