Malacañang, tiniyak ang masusing pagsisiyat sa technical glitch sa NAIA

Tiniyak ng Malacañang kahapon na magsasagawa ng masusing pagsisiyasat  sa nangyaring technical glitch sa radar at navigational system ng Ninoy Aquino International Airport noong Linggo.

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag kahapon, sinabi ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil na isasagawa ng mga kinauukulang ahensiya ang pagsisiyasat kaugnay ng nangyaring technical glitch.

Matatandaang, hindi bababa sa 282 na flights ang kinansela, na divert at  naantala sa Araw ng Bagong Taon at nasa 56,000  na mga pasahero ang naapektuhan ng technical problem sa NAIA.

Ayon kay CAAP Director General Manuel Tamayo,  isa sa mga uninterruptible power supplies (UPS) ang nagkaroon ng problema  at kailangang gawin ang troubleshooting activities para malutas ang issue.

Ang ilang mga airlines,  ay pinayuhan pa rin ang mga pasahero na asahan ang higit pang flight delays dahil sa aberya.//CA