Ipilan Nickel Corporation, isinisi sa matagal nang pagkakaingin at pag-ulan ang naranasang pagbaha sa Brookes Point

Iginigiit ng Ipilan Nickel Corporation na walang kinalaman ang kanilang minahan sa mga naranasang pagbaha sa Brooke’s Point, Palawan.

Ayon kay Alex Arabis, Resident Mine Manager ng INC, nagsagawa na umano ng assesment ang mga ahensya ng Pamahalaan kasama ang PCSD, PDRRMO at MGB- DENR tungkol sa naranasang pagbaha kamakailan sa munisipyo.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Sa comprehensive report ng assesment, lumabas na ang malakas na pag- ulan, kakulangan ng drainage system at matagal nang pagka-kaingin ang dahilan ng pagbaha sa munisipyo.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Gayunpaman, aminado ito na patuloy ang kanilang mining operation sa kabundukan ng Brooke’s Point.