Nakontamina ang inuming-tubig sa Juban Sorsogon dahil sa abo matapos sumabog ang Bulkang Bulusan.
Ayon sa ilang residente doon, naging mabaho umano ang amoy ng tubig mula sa dating malamig at malinis na tubig sa Barangay Puting Sapa.

Iginiit ni Juban Disaster Officer Arvee Lodronio na nakikipag-ugnayan na sila sa local water system upang masiguro na malinis ang mga tangke ng tubig doon.
Samantala, pansamantalang nagrarasyon ang municipal disaster office ng tubig para sa mga residente sa naturang lugar ngunit hindi umano sasapat ang mga ito. (ARGIE ERGINA)