Pinuri ni Senador Christopher Bong Go ang ‘Duterte Legacy’ na nagbibigay ng mas komportableng buhay para lahat sa pamamagitan ng infrastructure projects sa ilalim ng Build Build Build programs.
Ginawa ni Senador Go ang pahayag kasabay ng pagdalo nila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inauguration ng Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road Project sa Taguig City.

Ayon kay Go masaya siya sa pagbubukas ng BGC-Ortigas Center Link Road Project na layuning mas pabilisin ang biyahe sa Kamaynilaan at masolusyunan ang problema sa trapiko.
Sinabi ni Go na bahagi ang mga malalaking proyektong ito sa magiging pamana ni Pangulong Duterte.
Tiniyak naman ni Go na patuloy niyang isusulong ang mga proyekto na makakatulong sa taumbayan.
“Bilang inyong Senador, asahan niyo po lagi kong isusulong ang mga proyekto, panukala at adhikain na makakatulong sa bawat Pilipino,” dagdag pa ni Go.