Pinatitiyak ni Sen. Grace Poe na dapat ay ituloy ng gobyerno ang Build Better More infrastructure program kahit wala ang official development assistance (ODA) mula sa China.

Ayon pa kay Poe, hindi na umano bago ito dahil nagawa na rin ito ng mga bangko ng China kung saan sinasadyang suspendihin ang loan applications kaya’t nalalagay sa alanganin ang maraming proyekto ng gobyerno.
Sinabi ni Poe na oras na para maghanap ang pamahalaan ng ODA mula sa ibang bansa at maghanap ng ibang funding options mula sa multilateral institutions at international assistance agencies para mapondohan ang nakabinbing infrastructure program ng pamahalaan.
Maliban sa Mindanao Railway Project Phase, naghahanap din ng opsyon ang pamahalaan para sa pondohan ang dapat sana’y Chinese-funded Philippine National Railway South Long-Haul Project.