P80K, tinangay ng magnanakaw sa Roxas

Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang nangyaring pagnanakaw sa isang bahay sa Purok Ram, Barangay 3, Roxas, Palawan madaling araw nitong Miyerkoles, August 24,2022.

Ayun kay Erika Anne Marie Lago, tinatayang aabot sa ₱80,000 na cash ang tinangay ng hindi pa nakikilalang magnanakaw.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Dagdag nito maging kanilang piggy bank o alkansya ay hindi pinalagpas ng kawatan.

Hinala naman ng biktima na sa veranda, 2nd floor ng kanilang bahay dumaan ang suspek.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, nagpaalala naman ang biktima sa mga mga residente na maging maingat dahil laganap na naman ang ganitong masamang gawain sa kanilang lugar.