Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang patuloy na downtrend ng inflation o ang rate ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Sa inilabas na report ng PSA nasa 3% ang naitalang inflation rate noong nakaraang buwan, mas mabagal kaysa sa 3.6% rate na naitala noong Disyembre 2021.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa ang dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation nitong Enero 2022 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas, at Other Fuels na may 4.5% inflation at 77.1% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Samantala kinumpirma naman ng PSA na ang data ng inflation para sa mahihirap na Pilipino ay nakabatay pa rin sa mga presyo noong 2012 dahil ang ahensiya ay nasa proseso pa rin ng re-basing data.