LEGAZPI CITY – Aabot sa 1, 326 mula sa 1, 757 ang natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol sa infrastructure projects sa 2021.
Ayon kay Lucy Castañeda, ang Regional Spokesperson ng DPWH Bicol, mas marami ang natapos na proyekto sa taon 2021 kumpara sa taon 2020.
Mas malaki aniya ang inilaan na pondo nitong taon na umabot sa mahigit P44B kumpara sa 2020 na mababa lamang ito.
Dagdag pa nito mayroon pang ongoing projects na 366 habang 65 projects ang hindi pa nasisimulan.
Paliwanag ng ahensya kung bakit mas marami ang natapos na proyekto ay dahil sa mga proposals project, dagdag na empleyado sa construction sites.
Maliban pa rito, 216 para sa pagpapalawak ng kalsada na may kabuuang haba na 188.2 kilometro, 45 na permanenteng tulay , at 129 flood mitigation structures na may kabuuang haba na 69.26 kilometro.
Ang mga proyektong ito ay magbibigay ng mga kinakailangang pasilidad at titiyakin ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga Bicolano sa gitna ng patuloy na labanan laban sa COVID-19”, ani Kalihim Mercado.
Natupad din sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA) ang 877 local programs na kinabibilangan ng limang (5) National Building Program projects, dalawang (2) school buildings, 340 local at national roads, 9 local bridges, 95 flood control at drainage structures, 393 multi-purpose na gusali at istruktura, at 33 water management facility.
Sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno, may kabuuang 169 na proyekto din ang natapos na binubuo ng farm-to-market roads, access roads to airports, seaports, tourism destinations, at economic zones, school buildings at marami pang iba.