Di nabago ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Mayo ngayong taon na syang nagpapakita ng stable na presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, umakyat ang consumer price index sa 4.5 percent, pareho lang sa naitala noong Abril at Marso.
Ang figure noong Mayo na pasok naman sa 4 hanggang 8 percent projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ay nananaitli sa government target na 2 hanggang 4 percent.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na posibleng manatiling mataas ang inflation pero inaasahang bababa na ito sa ikalawang quarter ng taon at unti-unting mananatili sa loob ng target band ng gobyerno pagdating gn 2022.
Mababatid na naapektuhan ng African Swine Fever ang suplay ng karneng baboy sa bansa dahilan para mabawan ng husto ang domestic hog population.
Ipinatupad din ang price cap para sa karneng baboy para mabawasan ang pagsirit ng presyo sa merkado.
