PNP, inilunsad na ang paggamit ng body cameras; Body cams, mata at tenga ng mga Pilipino- Eelazar

Inilunsad na ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw ang kanilang body-camera system na magsisilbi umanong mata at tenga ng mga Pilipino sa police operations. 

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, ang body cams na ang magiging bantay laban sa mga insidente ng posibleng pang-aabuso ng mga pulis.

Ginawa ng PNP chief ang pahayag kasabay ng pag-alala sa binatilyong si Kian delos Santos na napatay ng mga pulis sa Caloocan City noong 2017. 

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Dagdag ni Eleazar, ang pagbili at paggamit ng pulisya ng body cameras ay di lamang tribute kay Kian delos Santos kundi pati na rin sa mga pulis na nagsakripisyo ng kanilang buhay sa gitna ng pagseserbisyo na nabiharan ng extrajudicial killings, pagtatanim ng ebidensya at iba pang di makatarungang mga alegasyon. 

Sa ngayon, nakapagpamahagi na ang PNP ng nasa 3,000 body cameras sa iba’t-ibang mga city police stations at planong bumili pa ng karagdagang 30,000 units. 

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Una nang sinabi ng PNP chief na gagamitin ang mga body cameras sa anti-illegal drug operations, paghahain ng search warrants at warrants of arrest, at maging sa regular patrolling. 

Bumabalangkas na rin ang Supreme Court ng guidelines at protocols para sa paggamit ng body cameras sa police operations.