Indonesia, nakakaranas ngayon ng cooking oil crisis

Nakakaranas ngayon ng cooking oil crisis ang bansang Indonesia dahil na din umano sa nangyayaring sagupaan ng Russia at Ukraine.

Bunsod nito, maraming consumers at small business owners ang umaaray kung saan ang ilan sa kanila ay nagdesisyon ng ipasara ang kanilang negosyo.

Read More:  Personal data of 850,000 megachurch members in South Korea potentially compromised in cyberattack

Ang ilang residente naman ay kailangan pang pumunta sa ibang lugar upang makabili ng mantika para mapanatili ang kanilang kita.

Read More:  Philippine Consulate in Los Angeles warns Filipinos of extreme heat wave

Samantala, isa sa dalawang namatay doon ay dahil sa matinding init habang nakapila sa bilihan ng mantika sa isang supermarket doon. (ARGIE ERGINA)