Maglalaro si Dustin Johnson sa Saudi-funded LIV Golf Invitational Series matapos mag-retiro sa US Professional Golfers’ Association (PGA) Tour.
Ang 37-year-old Golf player ay nanalo ng mahigit 74 million dollars mula sa US PGA Tour.

Iginiit niya na pinili nito ang mas makakabuti umano sa kanya at ng kanyang pamilya, matapos tanungin kung pinili niya ang pera kaysa sa bansa nito.
Samantala, sinabi ni Johnson na proud siyang i-representa ang kanyang bansa at umaasang muling magawa ito pero hindi aniya siya ang gumagawa ng mga rules. (ARGIE ERGINA)