Indibidwal na sangkot sa mga insidente ng Karnapping, Homicide,at Murder, Arestado!

HINDI na nakapalag pa sa tropa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Regional Field Unit ng Bangsamoro Autonomous Region ang isa sa dating tagasunod ni late Brgy. Chairman Datu Pendatun Talusan matapos silbihan ng tatlong warrant of arrest pasado alas singko ng hapon kahapon sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sinabi ni CIDG-Maguindanao Provincial Field Unit Commander, Police Major Esmail Madin na ang suspek na si Mike Igal alyas Mike ay may kinakaharap na kasong Double Frustrated Murder na may tatlong warrant of arrest, homicide at carnapping.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Maayos namang sumama sa pinagsanib na pwersa ng CIDG at Sultan Kudarat MPS ang suspek mula sa kanyang tahanan sa Brgy. Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa kasalukuyan ang suspek ay nasa kostudiya na ng CIDG sa PC Hill dito sa lungsod para sa documentaion and proper disposition.