Indibidwal na mayroong dalawang sex organs, mas pinili na ang pagiging babae

Mayroong iilang indibidwal na nabubuhay na nagugulumihanan sa kanilang mga kasarian o tinatawag na ‘identity crisis’.

Ngunit, kamakailan ay isang kuwento ang higit na nakalilito dahil sa maging siya mismo ay hindi naunawaan sa umpisa ang kaniyang sitwasyon.

Isang indibidwal kasi ang mas pinili na ang kaniyang pagiging babae kaysa sa kinamulatan niyang kasarian dahil sa pagkakaroon ng magkaibang sex organs.

Pinalaki kasi umano siya ng kaniyang mga magulang bilang isang lalaki.

Habang lumalaki naman, mistulang parang huli na para sa kaniya ang magbago pa ng kasarian at pinanindigan niya na lamang ang pagiging lalaki.

Ngunit, isang araw ay naaksidente siya kung saan nadulas ito at nabagok ang ulo.

Dito sinabi ng doktor na maaari umanong maapektohan ang kaniyang testosterone production.

Kaya naman ito na rin ang pagkakataon na aminin ang kaniyang sitwasyon at dito na nga sinabi ng doktor na maaari naman siya maging babae muli kung kaniyang nanaisin.

Kalauna’y mas pinili na nga niya ang pagiging babae at isinailalim siya sa Hormone Replacement Therapy (HRT) para muling maging babae.###WENCY LISAY