Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang inagurasyon ng 24.9-Megawatt Lake Mainit Hydroelectric Power Plant sa bayan ng Jabonga sa Agusan Del Norte.
Inaasahang makikinabang sa naturang powerplant ang nasa 45 thousand household sa Agusan del Norte.
Sa speech ni Pangulong Marcos, inatasan nito ang Agusan LGU na suportahan at ibigay ang lahat ng kinakailangang assistance para matiyak ang efficiency, safety at productivity ng powerplant.
Maliban din sa pag supply ng power, inaasahan na makakapag likha ito ng socio economic sa mga taga Agusan at nalalabi pang lugar sa Mindanao.
Pinasalamatan rin ng Pangulo ang mga private company na nakatuwang sa proyekto, partikular ang Markham Resources Corporation at Japanese firm na J-POWER group.
Samantala, sunod namang pinuntahan ni Pangulong Marcos ang KADIWA ng Pangulo at pinangunahan rin ang ceremonial turnover ng iba’t ibang government assistance ng TESDA, Philippine Coconut Authority, BFAR at DA.
Ininspeksyon rin ng Pangulo ang ginaganap na Jobs fair ng DOLE Region 13, at ang pamamahagi ng assistance ng DSWD sa ilalim ng AICS program, payout ng TUPAD beneficiaries at programa ng DA na INSPIRE o Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion.
