Naniniwala si Senador Win Gatchalian na malaki ang pagkukulang ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagsasala ng mga taong pumapasok sa ating bansa kaugnay sa isyu ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Sa naganap na Kapihan sa Senado, sinabi ni Gatchalian na ang kakulangan sa komunikasyon at database sa pagitan ng DOLE, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bureau of Immigration ang dahilan kung bakit hindi makita at malaman ng bansa kung may kaso o fugitive ang pumapasok dito.
Dagdag pa Gatchalian, maaring ang mga nasabing fugitives ay mga nakatakas sa arrest at patuloy pa ring nag-ooperate at pagala-gala dito sa bansa.
