LEGAZPI CITY – Hindi natutuwa ang mga makakaliwang grupo sa pagbaba sa pwesto bilang Pangulo ng Bansa na si Rodrigo Roa Duterte dahil sa walang ginawa para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin at Gasolina sa bansa.
Ayon kay Romy Barbudo, ang tagapagsalita ng Condor Piston Bicol, inaasahan ng makakaliwang grupo sa pagbaba sa pwesto ni Pangulong Duterte ay suspendihin muna ang ipinapataw tax sa mamamayang Pilipino na nagpapabigat sa mga bilihin at gasolina.
Aniya, mas lalong nagpapahirap sa mga Pilipino ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin at gasolina sa bansa.
Malaking tulong o kabawasan kung isinuspindi ang tax tulad Vat at Excise tax na naging dahilan ang patuloy na pagtaas ng Gasolina sa bansa.
Hindi na kinakaya ng mga Pilipino ang mga bilihin kung kayat ito rin ang magiging dahilan na paghihirap ng mga ito.
Naniniwala ang mga ito sa pamamamgitan ng kanilang pakikibaka o pakikiisa na panawagan alisin na ang ipinapataw na tax.
Sinabi pa nito, nagpahayag na rin ang bagong uupo ng Pangulo ng bansa na si Ferdinand Bongbong Marcos Jr na wala rin itong magagawa kundi harapin na lang umano at tanggapin na lamang.