Patay ang isang ina at dalawa nitong anak habang sinusubukang lumikas mula sa bayan ng Irpin, malapit sa capital city na Kyiv.

Ayon sa report, tinamaan ng mortar ang mag-iina at ibang mga kababayan ng mga ito habang paalis sa kanilang bayan dahil sa pag-atake ng Russian forces.
Base sa video ng evacuation, natitigil sa paglalakad at napapadapa sa kalsada ang mga evacuee sa tuwing umaalingawngaw ang mga bombahan. Inalalayan naman ng mga Ukrainian military ang mga evacuee hanggang sa makasakay ang mga ito sa isang bus na naghihintay para madala sila sa mas ligtas na lugar.
Kita din sa video ang pagkasunod ng ilang kabahayan sa Irpin dahil sa mga pambobomba ng Russian forces