Nanindigan si Education Secretary Leonor Briones na dapat ay magpatuloy ang face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ipinaliwanag ni Briones na wala pang kahit isa na insidente ng COVID-19 infection ang naitatala mula nang magsimula ang pilot implementation ng face-to-face classes.
Una na rin itong nasabi ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma sa Senate hearing.
Inihayag ni Garma na agad nang hindi pinapapasok sa eskwelahan ang mga learners na nagpapakita ng flu-like syptoms tulad ng ubo, lagnat, at sipon.
Mababatid na kabilang ang 272 na public schools at 18 private schools sa nagpapartisipa sa nagpapatuloy na face-to-face classes.
