Street sweepers sa Pasig, makatatanggap ng P12,000 sahod simula sa January, 2022

Tinaasan ng gobyerno ng Pasig City ang sahod ng 215 na trabahante ng City Environment and Natural Resources Office/Solid Waste Management Office.

Inaasahan na matataasan ang sweldo ng mga nasabing empleyado, na karamihan ang street sweepers, sa P12,000 kada buwan.

Read More:  Sen. Padilla pushes juvenile detention centers, says minors who kill must be held accountable

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Mayor Vico Sotto na naglalaro lamang ang dating sweldo ng mga nabanggit na empleyado mula P5,000 hanggang P8,000 lamang.

Ipinunto ng alkalde na full time ang mga empleyado ng environment office, kung saan ay kailangan nilang mag-report sa trabaho sa loob ng 8 oras kada araw.

Read More:  Ex-DPWH chief Bonoan may become state witness in flood control scandal

Kailanga rin aniya nilang kumpletuhin ang kanilang attendance para makuha ng buo ang kanilang sahod.

Inanunsyo naman ni Sotto sa isang flag ceremony sa city hall na magiging epektibo ang salary hike sa January 2022.