P3.37-billion, kakailanganin ng DepEd para mapaayos ang mga silid-aralan na napinsala sa Bagyong Odette

Nangangailangan ang Department of Education ng mahigit P3.37-billion para ipaayos at ipatayo muli ang mga silid-aralan na napinsala ng bagyong Odette.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na naging totally damaged ang 1,068 na classrooms, habang mayroon naman 1,316 na iba pa ang partially damaged.

Read More:  Motorcycle rider’s license suspended over viral stone-throwing incident on child

Gayunman, ang nasabing bilang ay base lamang sa naitala noong December 27.

Dahil diyan ay nanawagan si Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng financial assistance ang ahensya.

Read More:  Vhong Navarro to pursue legal remedies over possible release of Deniece Cornejo, Cedric Lee

Ipinunto naman ni Briones na tinatayang nasa P230-million pa ang natitirang Quick Response Fund ng DepEd na maaring magamit sa mga rehiyon na naapektuhan ng Odette.