Impluwensya ng social media, salik sa tumataas na teenage pregnancy – POPCOM-Bicol

Kumbinsido si Commission on Population (POPCOM) Bicol Population Program Officer IV Josephine Chua na isa sa mga salik kung bakit tumataas ang teenage pregnancy sa rehiyon ay dahil sa impluwensya ng social media.

Ayon dito, sa panahon kasi umano ngayon ay masyado nang bukas ang social media kung saan halos lahat ay may access na dito partikular na ang mga kabataan.

Read More:  Groups seek transparent probe into 19 deaths in Toboso encounter

Katunayan aniya, ay mabibilang na lamang sa daliri o baka nga wala nang kabataan ang walang gadget at hindi gumagamit ng social media.

Binanggit pa ng opisyal na base sa kanyang obserbasyon ay cellphone o gadget na ang agad na pinagtutuunan ng pansin ng mga kabataan pagkagising pa lamang sa halip na magdasal at magpasalamat.

Indikasyon umano kung gaano ang mga ito kahumaling sa social media kung kaya napakadali nilang maimpluensyahan ng lahat ng kanilang mga nababasa, nakikita at napapanood dito.

Read More:  Six CTG members surrender in Eastern Visayas

Una rito sinabi ng opisyal na noong taong 2013, lumabas sa pag-aaral na pangunahing salik kung bakit tumataas ang teenage pregnancy ay dahil sa pagtaas ng mga kabataan na nakikibahagi sa sexual activity sa murang edad gayundin ang pagiging mas agresibo ng maraming kabataang babae.