Eroplanong may dalang relief goods sa Batanes – sumadsad

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine Airforce sa dahilan ng pagsadsda ng kanilang eroplano sa Basco, airport sa Batanes kahapon.

Ayon sa PAF, nasa humanitarian assitance and disaster relief mission para sa mga naapektuhan ng bagyo ang kaninang C-295 aircraft nang mangyari ang insidente alas-3 kahapon ng hapon.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Nabatid, na natanggalan ng gulong ang eroplano at may dalang mga relief goods mula sa DSWD.

Ligtas naman ang piloto at mga crew ng naturang eroplano.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Tiniyak ng PAF sa publiko na, sa kabila ng insidenteng ito, magpapatuloy ang pagsasagawa ng kanilang rescue at relief operations sa Batanes at iba pang lugar na nasalanta ng bagyo.