Gilas Pilipinas, piantaob ang Mongolia sa 2024 FIBA 3×3 U23

Wagi ang Gilas Pilipinas U23 3×3 Men’s National Team kontra sa pambato ng Mongolia.

Pinataob ng Gilas ang Mongolia sa score na 21-12 sa Stop 5 finals ng FIBA 3×3 Nation’s League sa Handan Shi, China..

Nanguna sa Gilas si Noy Remogat ng University of the Philippines na nakapagtala ng 7 puntos na sinundan ni Patrick Sleat ng University of Perpetual Help System DALTA na may 6 na puntos, habang 5 mula kay Jun Roque ng Colegio de San Juan de Letran.

Naging vital din si JM Tulabut sa kanilang tagumpay at nagtala ng tatlong puntos.

Dahil sa panalong ito, nasa ikatlong puwesto na ang Pilipinas na may 340 points habang nangunguna pa rin ang Mongolia na may 460 points.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *