Imbestigasyon sa pagpapaulan ng bala sa Barangay Hall sa San Fernando , Camarines Sur nagpapatuloy

CAMARINES SUR- Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya San Fernando, Camarines Sur sa pag-papaulan ng bala sa Barangay Hall ng Tagpocol.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCAPT. Elias Sta. Cruz Jr , sinabi nitong  pasado alas-3 ng madaling araw ng mangyari ang insidente pero bandang alas-8 na ng umaga nang naiulat sa kanila. Napakahina aniya ng network signal sa bulubunduling lugar.  12 mga basyo ng bala ang nakuha sa pinangyarihan, hindi pa makumpirma ang kalibre ng baril na ginamit.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Sa ngayon wala pang lead ang PNP sa responsible rito at ano ang motibo. Batid ng hepe na may isyu sa politika sa Barangay pero hindi pa aniya nila masasabi kung mayroon itong koneksyon sa problema kaya lumalalim pa ang imbestigasyon.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Tiniyak ng Chief of Police ang kaligtasan ng mga residente kasabay ng pakiusap na laging makipag-ugnayan sa PNP para mapabilis ang paglaban sa kriminalidad.