Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang multimillion-peso project kung saan ay itinambak ang dinurog na dolomite sa isang bahagi ng Manila Bay.
Sinabi ng Pangulo sa kaniyang ikalawang public address ngayong linggo na maganda sa paningin ang dolomite
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na si Environment Secretary Roy Cimatu lang ang gumawa ng paraan para mapaganda ang Manila Bay hindi katulad ng mga pumupuna rito.
Bilang bahagi ng P389-million Manila Bay rehabilitation program, ay sinimulan ng Department of Environment and Natural Resources ang pagtatambak ng tone-toneladang buhangin na gawa sa dinurog na bato ng dolomite na galing pa sa Cebu.

Inihayag naman ni Cimatu sa ginanap na Cabinet briefing na dahil sa dolomite sand ay naiiwasan ang coastal erosion, nafifilter ang tubig, habang mas pinalalawak ang beach width.
Una nang sinabi ng DENR na layon ng beach project na i-discourage ang mga tao mula sa pagtatapon ng basura.
Gayunman, napuna ito ng mga kritiko mula sa iba’t-ibang sektor, kung saan ay tinawag ito ng environmental at fishing groups bilang “cover-up” sa problema sa polusyon ng Manila Bay.