Imbestigasyon ng Senado para sa umano’y ‘kulto’ na Soccoro Bayanihan Services, kasado na

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa ng Department of Justice (DOJ) sa umano’y kaso ng mga pang-aabuso sa mga kabataan sa Mt. Kapihan sa Soccoro, Surigao Del Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Sen. Risa Hontiveros, Senate Deputy Minority Leader, sinabi nito na magkakaroon pa ng mga susunod na pagdinig sa tinawag niyang “Kulto” na Soccoro Bayanihan Services (SBS) Inc. dahil sa mga paglabag nito sa Karapatan ng mahigit 1000 na mga kabataan.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ayon pa sa Senador na siya ring chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, magsasagawa ng hearing ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mas mahimay pa ang detalye na naiiugnay sa kontrobersyal na religious group sa Soccoro.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Kung maalala, naghain na ng reklamo ang NBI-CARAGA laban sa mga miyembro SBS na handa namang harapin ng naturang grupo ayon kay Mamerto Galanida na siyang Vice Pres. ng Samahan bagaman unfair aniya ito dahil hindi muna sila pinakinggan bago binansagang “Kulto”.